i-SUMBONG MO

Mabilis lang ‘to!

Anu-ano ang pwedeng i-report ng publiko?

  1. Pwedeng mag-report ng mga violations, tulad ng mga ito.
  2. Pwedeng mg-report ng mga TELEVISION ADS at RADIO ADS. Hindi naman yan violations, ngunit makakatulong sa pagbe-beripika ng Statement of Contributions and Expenditures ng mga kandidato, kung saan kanilang sasabihin sa COMELEC kung nakaka-ilang minuto ng TV at Radio ads na sila.
  3. At pwede ring mag-report ng mga pangyayari o insidente na inyo mismong na-witness, sa panahon ng kampanya.

Kayo ba ay mabu-bweltahan ng mga ini-report ninyo?

  1. Ang lahat ng report na isu-submit sa COMELEC ay CONFIDENTIAL, maliban na lamang kung ang nag-report mismo ay magsasabing handa siyang mag-habla.

Ano ang kailangan isama sa report, kung TV at Radio ads ang ire-report?

  1. Kaninong advertisement ang iyong inire-report? (Isang tao lang ba? O mahigit sa isa? Kung mahigit sa isa, sino-sino ang nasa advertisement?)
  2. Anung petsa at oras lumabas ang advertisement?
  3. Saang channel o istasyon ng radio lumabas ang advertisement?
  4. Gaano kahaba ang advertisement?

Maliban sa Feedback Form (na nasa ibaba), paano ka makakapag-sumite ng report?

  1. Itawag ang report sa mga Hotline ng COMELEC: 5275574; 5259345; 5259302
  2. Itweet ang @COMELECTV. Ibigay ang iyong e-mail address para makapag-followup kami sa inyo. Kapag follower ka ng @COMELECTV, abangan ang aming Direct Message (DM) kung saan ipapaliwanag namin sa inyo ang paraan para mas-detalyado ang ating ugnayan.
  3. Mag-iwan ng komento o i-tag ang PCOSdemo na fanpage. Ganun did. Ibigay ang e-mail address at iba pang contact information.
  4. Kung nais nyo i-diretso ang Feedback sa mga lokal na opisyal ng COMELEC, maari nyo mahanap ang kanilang mga contact information sa website na ito gamit ang QUICK CONTACT GUIDE.

Ano ang mangyayari sa mga report mo?

  1. Ang lahat ng matatanggap na report ay ire-record.
  2. Kapag ang report ay patungkol sa prohibited campaign materials, ire-refer ang report sa lokal na COMELEC official na maaring tumugon sa reklamo. Kapag may aksyon na, ire-report namin sa nag-submit ng feedback (ikaw yun!)
  3. Kapag ang report ay isang katanungan na maaring sagutin agad (halimbawa: mga tanong ukol sa procedure o schedule; mga tanong na maaring masagot ng mga COMELEC Resolution), sasagutin agad.
  4. Kapag ang report ay isang katanungan na nangangailangan ng legal na interpretasyon o opinyon, ito ay agad na ire-refer sa COMELEC LAW Dept. Kapag may sagot na, agad naming ipaparating ang sagot sa nag-submit ng feedback.
  5. Kapag ang report ay isang pagsasalaysay ng mga krimen katulad ng vote-buying o pananakot, agad naming isasangguni ang report sa mga kinauukulan, kasama na ang Philippine National Police.
  6. Ang mga larawan o pic na inyong pinadadala ay maaring magamit na ebidensiya kapag inihabla na ang violator. Kung nais nyo maghain ng pormal na complaint, ipapakausap namin kayo sa COMELEC LAW Department.
  7. Mananatili kayong ANONYMOUS maliban na lamang kung inyong sabihin sa amin na handa kayong mag-habla o tumestigo.

Kung may karagdagang tanong, gamitin ang “Leave A Reply” section sa ibaba.

O, OK na! Report na!

 

Pwede ka mag-upload ng picture dito:

Submissions will be moderated. Para ma-sigurong lalabas ang iyong sinubmit na picture, lagyan ng caption sa “Description” box, at siguraduhing fill-upan nyo rin ang Report Form sa baba. Sa “Additional Details,” kopyahin ang caption na inyong nilagay sa “Description” box.

Kailangan po itong proseso na ito upang masiguro na mga lehitiming report lamang ang lalabas sa website na ito.

Upload a photo



Pwede ka rin mag-submit ng report dito:











30 Comments  to   i-SUMBONG MO

  1. avatar Lad says:

    Sana wag iboto ang mga pasaway na ganito

  2. avatar BAD says:

    Nagagamit ng incumbent congressman ng San Jose del Monte na si Cong Arthur Robes ang 4P’s ng DSWD! Lagi sya andun sa mga DSWD events, naipakita pa nga sa Umagang Kay Ganda ang isang event na Kasalang bayan na namigay sila ng mga towels ni Jack ENRILE at PANTAWID PAMILYA bags before the campaign period, bukod dito panay panay na town hall meetings bago pa man ang election period. Sinasabi pa ni Congressman na sya ang nag lobby para mabigyan ng pera ang mga 4P’s beneficiary na pawang pinapafill up nila ng mga form na nagtatanong ng PRECINT NUMBER. Pero may kilala ako sa lugar namin na katulong na walang income na hindi nabigyan dahil di sya marunong magsulat at hindi sya voter.

  3. avatar Dane Matthew L. Rayo says:

    Merong ako nakita me bawal! merong campaign materials nakadikit sa bus!totoo yun!

  4. avatar rodel navelgas says:

    WAG MATAKOT BAD

  5. avatar rodel navelgas says:

    TOTOO SINASABI MO

  6. avatar Anonymous says:

    I’m just wondering, where the heck are the user-submitted materials? There have been a myriad of campaign violations, and I am yet to see how the site works. GET TO WORK! #MalingMali

  7. avatar Samuel Beltran says:

    bakit hindi ako makapag-upload? ilang ulit ko na sinubukan sa 2 magkaibang desktop pero ayaw talaga.

    thanks!

  8. avatar ron d bautista says:

    sana maglagay rin kayo ng upload para sa mga videos para mas detailed and comprehensive ang mga evidences supporting the reports of the concerned citizens….. thanks!

  9. avatar Charles Ylagan says:

    Pwede below 18 yrs old ang mag report?

  10. avatar ron d bautista says:

    sa mga dumi at kalat na nilalagay at iniiwan ng mga candidates this election, dapat liable sila sa lahat ng mga damages na ito. Tulad ng pagpipintura mga political ads sa mga pader, poste, linya ng kuryente,etc. DAPAT OBLIGAHIN NG COMELEC NA LINISIN AT AYUSIN ANG LAHAT NG MGA DINUMIHAN NILA NA LUGAR. AT KUNG ANG COMELEC RIN LANG ANG MAG AALIS NG MGA ITO WITHOUT IMPOSING STERN PENALTIES SA MGA CANDIDATES, MAGIGING PAULIT-ULIT LANG ITO! GASTOS SA GOBYERNO,PERWISYO AT EYE SORE SA COMMUNITY!

  11. avatar Trace See says:

    http://www.journal.com.ph/index.php/news/top-stories/44798-psy-to-go-after-candidates-using-gangnam-style

    kala ko ba nakalagay jan na hindi pwedeng gamitin ang Oppa Gangnam Style as campaign jingle? ano ang pwedeng gawin ng comelec sa mga kandidatong gumagamit nyan?

    Lalo na dito sa 1st District of Zambales…lantarang ginagamit ni Mayor Bong Gordon na tumatakbo bilang Kongresista ng 1st District.mahiya naman kayo sa mga international artists..

  12. avatar Wency Hular says:

    i would like to call the attention of comelec laguna. we are a subscriber of Royal Cable, and one channel there Channel 6, there are too many election ads aired everyday. i don’t know if this part of limited time slot allowed to them.

  13. avatar micheal says:

    Pwede bang maglaan ng takdang oras ang mga sasakyang umiikot sa mga kalsada at nagpapatugtog ng mga jingle ng mga kandidato at kung sino mang sumuway ay pwedeng maireklamo? magkaron naman sana ng konsiderasyon. Ang aga aga nag iikot na at nagpapatugtog ng napakalakas. Hindi na nakakatuwa, nakaka-perwisyo na kung tutuusin dahil marami pa ang natutulog sa mga oras na ganun. as early as 6:30-7:00 am may umiikot na ang mga perwisyo na yan.

    By the way Cavite City location ko

  14. avatar no name says:

    here in novaliches brgy. gulod mraming mga candidates for election ang mga psaway. so many people na ang nag rereklamo sa inyo pero prang wla kyong aksyon.hlos lhat ng candidates ay lmabag sa tmang gwain. i hope that you’ll help all those people na nag hhanap ng tama. at sna malibot nyo ung lugar namin bnababaoy lang nila ung aming lugar.sna po gmawa kyo ng action for us nman to e. khit na hndi ako voter i’m concern lang nman e. mag reply po keo pra po ma dictate ko ung mga names nla at kung bkit nla nlabag ung rules nyo. thank you !

  15. avatar ron d bautista says:

    dapat po ipagbawal rin yung mga loud speakers ng mga kandidato na nasa mga sasakyang lumilibot sa mga kalsada at subdivision kasi nuisance po sila at napakaingay….puro sinungaling naman at pansariling interests lang ang pakay nila. patunay dyan eh yung mga campaign materials na kinakalat nila kung saan saan. taong bayan ang naglilinis at wala silang pakialam sa mgA kinalat nila. mag regulate sana ang comelec ng mga designated areas lang na dun sila mag iingay ng pangangampanya.

  16. good day! gusto ko po sanang makatulong sa darating na election day sa aking ka-lugar dito sa taytay, rizal by providing a help/information desk para maibigay sa kanila ang kanilang polling precinct. would that be fine? kailangan ko po bang sumulat sa inyo? ill be giving information po based sa inyong precinct finder sa comelec.gov.ph.

    thank you and more power.

  17. avatar Michael John M. De Castro says:

    Sana maging mapagmahal naman sa kalikasan at kapaligiran ang mga pulitiko.

  18. avatar aNONYMous says:

    Just wondering if COMELEC could really implement such sanctions and disqualify such Politicians in their illegal deeds…In fact, there are different reports were submitted and posted in this site, but seemingly they could not give assurance to provide them security and make such reports confidential. And, for my personal observation, why the COMELEC Agency could not do such initiative to look for evidences of such violators…In reality, just observing your surroundings…I doubt if the BAWAL advertisement may take effect. Take note: The possibility was you spent such budget of COMELEC and that budget was made paid through TAXes…:(
    ****** Lantaran na po ang pagbibigay ng pera d2 sa province…La union (agoo, tubao,sto.tomas,rosario,sn.fdo and many more, pangasinan sn.fabian,mangaldan,dagupan,calasiao and others)..

  19. yan po ang mga nkuha kong video kanina… violation of postings of campaign materials po.. paki aksyunan naman po… salamat!

  20. avatar Rockman Zaito says:

    Taytay sa Kauswagan Inc.(TSKI)Gensan branch isang microfinance na nag papaloan sa mga maliliit na nigosyante.

    Ang APPEND partylist ay partylist ng TSKI na syang nangongolikta ng 20 pesos sa mga meyembro ng TSKI eto daw ay 20 pesos para sa kinabukasan.

    tanong kopo di po ba bawal ang isang tatakbo na mangulikta ng pera sa mga tao?

  21. avatar esheana says:

    sana naman po my mangyari sa mga report namin. thanks

  22. avatar Batang San Juan says:

    Dito sa Barangay Pedor Cruz San Juan City at kahit saan man baranggay dito talamak na nilalabag ang campaign posting rules. Mismo sa voting precinct sa labas at pader mismo ng paaralan Pedro Cruz Elemnatary School at sa harap pa ng prinsipal ay nagkakabit ngayon ng campaign materials ang di mabuwag na power family dito. Mula pa noon ito na ang gawain nila. Binababoy mga pader, pati mag gates dito dinidikitan ng mga stickers nanakkasira at nakabakbak ng pintura. Malaking abala ito sa amin at higit sa lahat malaking pagsuway sa batas ang mga trapong politika na ito. Tama na!!! At supilin nyo sila!!

  23. avatar John Din says:

    violence and killing is happening in the town of San
    Miguel,Zamboanga del Sur

  24. avatar Papoy says:

    Excuse me dito po sa Butuan City Mindanao. madami po ang nag Vo-vote Buying, at bukas po ng Mayo 13, 2013 ay meron padin pong mag cacampaign and ang pag kakabit po ng mga poster ay idinidikit nadin po sa mga bahay at pam-publikong lugar tulad ng waiting shed sa aming lugar, nasaksihan ko po iyun nung isang gabi nung nag kabit po sila at pinag-bantaan po ako na pag nag sumbong ako papatayin daw po nila ako, karamihan po sa mga mag vovote buying ay mga kaibigan at classmate ko, nangangamba po ako baka po kasi may mang yari sa mga kaibigan ko if kung mag vote buying po sila at iba rin naman po ang kanilang iboboto. sana po mapigilan po ito ng maaga. salamat po

  25. avatar citizen says:

    WE HAVE BEEN DEPRIVED OF OUR RIGHT TO VOTE!
    Wala ang pangalan namin sa masterlist ngayong taon. Nagpunta kami sa Comelec sa aming probinsya at may record kami doon at meron ding record na naka.boto kami nuong May 2010 elections subalit hindi na kami maka.boto ngayon dahil hindi nakasulat ang pangalan namin sa masterlist at wala na daw silang (COMELEC) magagawa!

  26. avatar Vera says:

    sa election proper, Is it legal na collectahin ng mga election personnel ang mg ballots once nagloko ang pcos, to be fed daw kapag na-ayos na yung machine? I believe pwede nila palitan yung ballots na hindi pa na-feed. Nag paper jam sakto nung turn ko and madami silang pinindot dun sa machine, ilang beses din nila pinatay-bukas yung makina hanggang sa ayaw na gumana. At the end, the election officials in my precinct suggested that they’d collect the ballots which they will feed kapag na-ayos na daw yung machine (which in my view is very susceptible to election fraud, pwedeng-pwede nila palitan yung mga hindi pa na-feed). they did not even gave me a definite answer kung nabilang na yung sakin kasi naka-ipit pa rin sa machine. Please give me a definite answer. I will be waiting for your email. Thanks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>