

Nakatakda sa COMELEC Resolution 9615 at 9631 ang mga patakaran ng kampanya. Makikita naman sa COMELEC Resolution 9616 ang mga patakaran tungkol sa mga gastusin ng mga kandidato sa kampanya. Makikita dito ang mga maaring paglabag ng mga patakarang ito na pwede i-report ng publiko sa COMELEC.
Kapag may nakita kayong mga paglabag sa mga patakaran ng kampanya, isumbong nyo sa COMELEC! Dito malalaman nyo kung paano. Tandaan: ang susi sa malinis at patas na kampanya ay ang mapagmasid at mapanuring botante! May boses ka; gamitin mo! Dito, malalaman mo kung paano.
Mas lamang ang nakakaalam kaysa nagpapadala sa sabi-sabi lang ng iba. Kung gusto mo makita ang PCOS at makapanood ng PCOS Demo, dito mo malalaman kung saan at kailan ang naka-schedule na demo sa iyong lugar. Pwede ka rin mag-request ng PCOS Demo para sa iyong iskwelahan, organisasyon, o institusyon.
Dito mo masusubaybayan ang mga isinumite ng mga kapwa mong mulat na mga mamamayan, botante man o hindi. Maaring mag-submit ng mga lawaran sa pamamagitan ng twitter o email.
Sa Feb 12, 2013 na po ang simula ng kampanya ng mga tumatakbong senador at party-list representatives. Tulungan ninyo po kaming magbantay. - COMELEC Chairman Sixto S. Brillantes Jr.